Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo Ibinahagi Ang Pagkanta Sa Kanila Ng Panganay Na Si Yohan!

Linggo, Oktubre 9, 2022

/ by Lovely


 Nag-alay ng kanta ang panganay na anak nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na si Yohan Agoncillo para sa kanilang buong pamilya.

Proud na ibinahagi ni Judy Ann Santos sa kanyang Instagram Stories ang sweet na pagkanta ng kanilang panganay na si Yohan para sa kanila. Napakagaling talaga ni Yohan na kumanta, labis naman natuwa si Juday at na-touch sa ginawang ito ng panganay. Maririnig rin sa background ang pagsasabi ni Juday ng 'go 'nak' to cheer Yohan.



Si Johanna Louise Agoncillo ay ang adopted daughter nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos. Subalit hindi nila ipinaramdam rito ang pagiging ampon dahil totoong anak ang turing nila kay Yohan. Sa katunayan, naibahagi noon ni Judy Ann na hinango nila sa panganay nilang anak na si Yohan ang mga pangalan ng pangalawa at bunso nila anak.

Palagi rin nilang ipinapaalala kay Yohan na ito ang 'mitsa ng kandila sa kanilang pamilya'.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo