Kaibigan Ni Kris Aquino Nagbigay Ng Panibagong Update Hinggil Sa Kasalukuyang Kalagayan Niya Ngayon!

Martes, Oktubre 11, 2022

/ by Lovely


Patuloy paring lumalaban si Kris Aquino sa kanyang mga sakit. Wala siyang balak na sumuko dahil umaasa pa sa kanya ang kanyang mga anak.

Nagbigay ng panibagong update ang isang kaibigan ni Kris Aquino na si Dindo Balares. Binigyan nito ng linaw ang isang larawan ni Kris na kumakalat ngayon sa social media, na umano'y kasalakuyang kalagayan ng aktres.

Ayon kay Dindo, hindi ito bagong picture ni Kris Aquino sa katunayan ay noong 2019 pa ang larawang ito.

"Dagsa ang messages na nagtatanong tungkol sa picture ni Kris Aquino na ikinatutuwa ng kanyang followers.
Pati ang sister ko sa Dubai, nag-uusisa sa authenticity ng picture.
May updates at may ipinadalang photos sa akin si Kris kamakailan, kaya nang makita ko ang litrato na sinasabing mula raw sa latest post niya, agad kong nasagot na, "not true" (na ito ang latest photo niya).
January 9, 2019 pa po kinunan ang said picture.
Tuloy ang pagpapagamot ni Kris sa kanyang mga karamdaman. Tulad ng karamihan sa atin, may feeling din siya na may malaking binago sa kalusugan ng mundo ang covid.
Bagamat nahihirapan, may mga bagay pa ring dapat ipagdiwang at ipagpasalamat, ayon na rin sa huling chat namin.
"The loyalty & genuine love of people like you and the prayers, generosity, and kindness of people i’ve never even met- super blessed na 'ko," kuwento niya.
Touched na touched si Kris sa prayers for healing ng kanyang mga kaibigan at followers.
Pinalalakas at pinatatapang siya ng kanyang well-wishers.
"Mahaba pa ang laban- my goal is to see Bimb graduating from an Ivy League School here or UP, UST, or Ateneo Med School," sabi niya.
Muli po, ang mula sa pusong pasasalamat sa prayers for healing."


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo