Kapamilya Star-Nanawagan Sa Mga Netizens!

Lunes, Oktubre 3, 2022

/ by Lovely


Mainit na pinag-uusapan ng mga netizens sa iba't-ibang social media platforms ang pagtataboy sa Kapamilya star Sharon Cuneta sa isang luxury store na Hermes na nais sana niyang pasukan sa South Korea para lamang bumili ng belt.

Tila napahiya naman ang aktres kaya pumasok na lamang siya sa kalapit na luxury store na Louis Vuitton at doon nagshopping. Ang insidenteng ito ay hindi pinalampas ng ilang mga fans at followers ng Mega Star at nagbibigay ng mga negatibong komento laban sa store.

Agad namang nakarating kay Sharon ang mga sentiments ng kanyang fans kaya agad itong nanawagan gamit ang kanyang Instagram account. Tila nagbigay ng paliwanag si Sharon at sinabing hindi dapat binabash ang Hermes Store.

Ayon sa post ni Sharon sa Instagram, "Don’t feel bad about Hermes not letting me in! Lots, if not all name-brand stores even in the U.S. allow a certain number of people in at a time - sometimes 10 lang, while the others wait in line outside of the store. Lots also ask you to make an appointment. Covid measures nila yan so okay lang. Sayang lang talaga belt lang naman ang balak ko eh kaya ayoko pumapasok sa ibang stores na di ko plano puntahan ang dami kong nakikita eh!"


Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na hindi pinapasok si Sharon sa isang luxury store na naibahagi niya sa panayam niya noon kay Boy Abunda. Ilang beses na umano nitong naranasan ang ganito trato mula sa mga sales staff.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo