Kapamilya Star-Proud Lola's Boy!

Martes, Oktubre 11, 2022

/ by Lovely


Kamakailan, sa isang panayam inamin ng isang Kapamilya Star na isa siyang certified Lola's boy.

Ikinuwento sa isang panayam ng Kapamilya actor Zaijian Jaranilla na bata pa lamang siya ay iniwan siya ng kanyang mga magulang sa kanyang lola. Hindi naman umano siya nahihiya dahil rito. Bagkus ay proud niyang ibinahagi na isa siyang Lola's Boy.

"Ang nagpalaki po sa'kin yung lola ko. Lola's boy po talaga ako. Aware po ako na hiwalay yung mga magulang ko."

Kaya naman ng makapasok si Zaijian sa showbiz siya na ang naging bread winner ng kanilang pamilya. Ayon kay Zaijian, bago pa man siya naging sikat at pumatok ang kanyang unang teleserye na May Bukas Pa, ay umi-extra na siya sa iba pang mga teleseryes.

Hindi din naman umano siya nagtanim ng galit sa kanyang mga magulang sa pag-iwan ng mga ito sa kanya sa pangangalaga ng kanyang lola.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo