Katrina Halili Handang Tumestigo at Tulungan Si Vhong Navarro?

Linggo, Oktubre 16, 2022

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ng mga netizens ang kasong kinasasangkutan ng actor-TV host na si Vhong Navarro. Marami ang nag-aabang sa magiging hatol ng korte. Tuluyan kayang makukulong si Vhong Navarro? o Mapapatunayan ng kanilang kampo na inosente ito at walang kasalanan?

May ilalabas umanong witness ang kampo nina Deniece Cornejo na makakapagdiin kay Vhong Navarro, ito ay walang iba kundi si Cedric Lee. Ngunit ayon sa mga netizens na nag-aabang sa kaso ni Vhong Navarro, lalong naging malabo ang kasong rape na isinampa ni Deniece dahil sa pagkakaroon nito ng witness. Ayon sa kanila paano na-rape ni Vhong si Deniece kung naroon naman pala si Cedric Lee.

Samantala, handa naman umano ang kampo ni Vhong Navarro sa pagpapalabas bilang witness ni Cedric Lee. Ayon sa aming nakalap na impormasyon, handa umanong magbigay ng pahayag ni Katrina Halili tungkol sa katauhan at credibility ni Cedric Lee.

Matatandaang naging sangkot sa isang iskandalo si Katrina Halili noong 2014. Isa si Cedric Lee sa mga itinuturong may pakana sa pagpapakalat sa video scandal. Ayon kay Hayden Kho, bina-blackmail siya ni Cedric Lee na kung hindi siya bibigyan ng malaking pera ay ipapakalat nito ang video nila ni Katrina Halili.

Tila babasagin ni Katrina ang credibility ni Cedric para maging witness. Samantala, wala pang ipinalabas na official statement o anumang kompirmasyon mula sa abogado ni Vhong hinggil sa nasabing mga isyu.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo