Labis na nalulungkot sa kalagayan ngayon ni Vhong Navarro ang kolumnistang si Manay Lolit Solis.
Ibinahagi ni Lolit Solis sa pamamagitan ng isang Instagram post ang kanyang saloobin sa pagkakakulong ngayon ng aktor na si Vhong Navarro. Ayon kay Lolit Solis, naaawa siya sa kalagayan ngayon ni Vhong Navarro. Hindi din umano niya inakala na mangyayari ito sa aktor. Napakalaki din umano ng magiging epekto sa career ni Vhong ang nangyaring eskandalo na ito.
Labis din na naaawa si Lolit Solis sa asawa at pamilya ni Vhong Navarro na alam niyang nagsu-suffer ngayon. Sa huli hiling ni Lolit Solis na manaig ang hustisya at ito ang dapat hilingin ng lahat.
Samantala, ayon kay Manay Lolit Solis na nawa'y kapulutan ito ng aral ng ibang kalalakihan na mag-ingat sa pakikipagrelasyon. Dahil hindi umano lahat ng nagtapos ay hindi na babalik pa. May pagkakataon na gagawin ng isang babae ang lahat upang makapaghiganti.
Buong pahayag ni Lolit Solis sa kanyang Instagram post, "Naawa naman ako sa mga nangyayari ngayon kay Vhong Navarro, Salve. Hindi mo aakalain na sasapitin niya ang pangyayaring ito lalo na ngayon nasa itaas ang kanyang career, at pati personal life niya ay maayos. Biglang nabuhay ang kaso na akala ng marami ay tapos na, pero heto ngayon at isang malaking iskandalo. Isang aral ito sa mga artistang lalaki, na maging maingat sa kanilang mga relasyon. Hindi lahat ay natatapos sa maganda, puwede may bitterness na maiwan at iyon ang maging dahilan para balikan ka sa pamamagitan ng anuman para lang makaganti sa iyo. Sana nga maging maayos na ang lahat sa kaso nila Vhong at Deniece. Sana nga mapag usapan ng maayos para maging maganda ang resulta. Mahihirapan makatayo uli si Vhong Navarro mula sa scandal na ito. Malaking suntok sa kanyang magandang career ngayon ang nangyaring scandal. Pero higit sa lahat, kawawa din ang pamilya niya na nagsa suffer ngayon, lalo na ang kanyang asawa. Kung anuman siguro ang naging kasalanan ni Vhong Navarro, sure ako na ngayon sobra sobra na ang pagsisisi niya. At kung maibabalik lang ang araw, tiyak na hindi niya gagawin kung anuman pagkakamali ang nagawa niya. Siguro nga naisip na niya na sa isang iglap puwede mawala ang lahat, kaya dapat na maging maingat sa anuman gagawin. Justice is fair kaya iwanan na natin sa hustisya ang lahat. Naniniwala tayo na kung ano ang nararapat, iyon ang mangyayari. Hustisya, iyan na lang ang hintayin natin."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!