Kim Aminadong Nakikipag Habulan Sa Mga Batang Influencers!

Lunes, Oktubre 10, 2022

/ by Lovely


Isa si Kim Chiu sa mga artistang may maraming followers sa social media. Ngunit sa kabila nito, aminado ang aktres,TV host na nakakaramdam din siya ng pressure dahil sa mga naglabasang batang influencers sa soscial media.

Ayon kay Kim, humahabol siya sa Youtube, sa Tiktok. Dagdag pa ni Kim, mabilis ang digital era kung saan nakakakuha ka ng views kahit nasa loob ng bahay.

Samantala, maraming mga netizens ang patuloy na inaabangan at sinusubaybayan ang mga kilos ni Kim Chiu. Lalong-lalo na ang kanyang buhay pag-ibig. Matatandaang naibahagi ni Kim noon sa isang panayam na hindi pa nila napag-uusapan ni Xian ang pagpapakasal. Ngunit, sa kabila naman nito, hindi kinakabahan ang aktres na maagaw sa kanya ang nobyo.

Alam naman ng lahat na sa tagal nang magkarelasyon ng dalawa ay hindi pa naiugnay sa ibang babae si Xian. Kaya naman buo ang tiwala ni Kim na sakanya lamang nagagandahan ang nobyo.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo