Kim Chiu Sigurista Ready Na Nga Bang Pakasal Kay Xian Lim?

Linggo, Oktubre 16, 2022

/ by Lovely


Masayang ibinalita kamakailan ng aktres na si Kim Chiu na may bagong negosyo siyang pinasok.

Sa kanyang  Instagram account, masayang ibinalita ni Kim ang pagve-venture niya sa panibagong negosyo. Ayon sa aktres matapos ang ilang buwang pagpaplano nangyari na ang lahat. Kaninang umaga lamang naganap ang launching ng bagong business ni Kim na pinangalanan niyang House of Little Bunny Philippines.

Ayon sa caption ni Kim sa kanyang Instagram post sa launching ng kanyang bagong business.

"TODAY IS THE DAY! Here we go, bunnies!  #HouseOfLittleBunnyPH is now open, and ready for you!✨ Can’t wait for you to own a bag or two, or all the colors that we have! 😍 One thing that I’m most proud of is that our bags are made of Epsom leather, with complementing gold hardware which I really love.✨ Today I am wearing the #Timeless bag in Pool color."

 

Mayroong iba't-ibang kulay at designs ang kanyang mga bags na may tila infinity sign bilang trademark emblem. Noon pa man ay malapit na umano kay Kim ang mga bags dahil sa kanyang hilig sa pangungulekta ng mga ito.

Ayon naman sa ilang mga netizens tila naghahanda na ang aktres sa magiging future nila ni Xian kaya ngayon pa lamang ay pumapasok na ito sa negosyo. Sa kabila ng pagiging abala bilang isa sa mga sikat na aktres sa panahon ngayon.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo