Kim Chiu, Wagi Ng Dalawang Award Sa PMPC Star Awards for Music!

Huwebes, Oktubre 13, 2022

/ by Lovely


Nagbubunyi ngayon ang Kapamilya Star na si Kim Chiu. Makikita sa kanyang Instagram stories ang susunod na pagbabahagi niya sa kanyang mga awards.

Wagi si Kim Chiu bilang Novelty Artist of the Year sa 13th PMC Star Awards for Music. Bukod dito, nagwagi rin ang kanta niyang Bawal Lumabas bilang Novelty Song of the Year.

Ang kanta ni Kim Chiu na Bawal Lumabas ay sumikat noong 2020 sa kasagsagan ng pandemic. Nakalaban ng kanta ni Kim bilang Novelty song winner ang kanta ni Vice Ganda na Corona Bye Bye Na, Diyosa ng Kaseksihan ni Cool Cat Ash, GGSS ni Diday Ong, Lumaban Ka Gari Escobar, Nang Minahal Mo Ang Minahal Ko ni Bentong Sumaya, at Sabi ko Na Nga Ba ni Hannah Precillas.

Lubos naman na nagpapasalamat si Kim sa mga tumangkilik ng kanyang kanta. Super proud naman ang mga tagahanga ng actress sa bagong achievement na natanggap nito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo