Kinalimutan Na! Heart Evangelista Hindi Binati Si Chiz Escudero Sa Kaarawan Nito!

Miyerkules, Oktubre 12, 2022

/ by Lovely


Nakasanayan na ng mga tagahanga ng fashion icon at aktres na si Heart Evangelista ang kanyang pagbabahagi sa kanyang social media accounts ng mga updates tungkol sa kanyang buhay. Napaka-vocal din ni Heart sa pagpapakita ng kanyang pagmamahal sa mister na si Sen. Chiz Escudero.

Matatandaang noon pa man ay palaging binabati ni Heart ang asawang si Heart sa mahahalagang okasyon. Ngunit, matapos lumabas ang balitang hiwalay na sila ay tila nalimutan na rin ni Heart maging ang kaarawan ng mister.

Sa mga social media accounts ng aktres noong October 10, 2022, napansin ng mga netizens na hindi binati ni Heart si Chiz ni walang post ang aktres ng kahit anong pahiwatig tungkol sa kaarawan ni Chiz. Samantala, wala rin namang ibinahaging post na may naganap na pagdiriwang sa kanyang kaarawan si Sen. Chiz Escudero.

Gayunpaman, pagtatanggol ng mga fans ng aktres na baka naman umano ay binati ito ni Heart through private message.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo