Lantaran Na!! Totoong May Namamagitan Nina King Badger at Yumi Garcia!

Lunes, Oktubre 10, 2022

/ by Lovely


Mainit ngayon na usapin sa social media ang bagong uploaded Tiktok video nina Jon Gutierrez aka King Badger at Tiktoker na si Yumi Garcia.

Matatandaang nadawit ang pangalan ni Yumi Garcia sa controversial na hiwalayan ng mag-asawang King Badger at vlogger na si Jelai Andres. Si Yumi ang itinuturong third party at ang dahilan ng kanilang break-up. Subalit, mariing itinanggi ito ni Yumi at sinabing wala siyang kinalaman kay King Badger.

Hindi naman naniniwala kay Yumi ang mga netizens dahil sa mga ipinakitang ebidensya ni Jelai Andres. Ngunit sa pagdaan ng maraming araw at buwan na tila nanahimik na ang isyung ito. Hanggang nito lamang, napansin ng mga netizens ang Tiktok video nina King Badger at Yumi na nagsasayaw.



Tila sila na mismo ang nagbigay ng patunay na nagsasama na silang dalawa. Spotted na naka-post ang nasabing video sa official Tiktok account ni Yumi Garcia. Subalit makalipas ang ilang minuto ay kaagad na binura ni Yumi ang kanilang video na tila ba ay aksidente lamang na naipost ito.

Gayunpaman, mabilis na nairepost ng ilang mga netizens ang nasabing video at kumalat sa iba't-ibang social media platforms. Kasabay nito ang pagkakaroon ng iba't-ibang komento ng mga netizens ukol rito. Ayon sa isang netizen, bagong-bago ang nasabing video dahil ganito umano ang pangangatawan at hairstyle ni King Badger ngayon.

Matapos ang pagkalat ng nasabing video nag turn off comments si King Badger sa kanyang Facebook account.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo