Lolit Solis, Umalma Sa Pahayag Ni Shirley Kuan Tungkol Sa Kanya Bilang Bully at Bast0s!

Linggo, Oktubre 16, 2022

/ by Lovely


Naging mainit na usapin sa social media ang pagpapa-interview ng manager ni Bea Alonzo na si Shirley Kuan kamakailan. Ito'y upang i-address ang mga isyung ibinabato sa kanila ng kilalang showbiz columnist na si Lolit Solis.

Sa nasabing panayam nabanggit ni Shirley Kuan na magaling magpa-victim at mambaliktad si Lolit Solis. Tila ito na nga ang sinasabi nito, agad na umalma si Lolit Solis sa mga pahayag ni Shirley Kuan at ipinagdiinan na kailanman ay hindi siya naging bully at bastos.

Ayon sa Instagram post ni Lolit Solis, sinabi niyang hindi pambabastos at pambubully ang ginagawa niya sa aktres na si Bea Alonzo. Ibinunyag din nito na umalis si Shirley sa samahan ng mga katulad nilang talent managers. Sinabi ni Lolit Solis na kailanman ay hindi siya naging bully at lahat umano ng mga claims niya ay negotiable. Ever since umano ay confrontational siya sa kanyang mga ibinabahagi sa social media at kung may pagkakamali man ay ipapaklaro niya ang mga ito sa kanyang source.

Marami naman sa mga netizens ang hindi sumang-ayon sa pahayag ni Lolit Solis sa kanyang Instagram post. Kung hindi umano bully at bastos ano ang tawag sa mga ginagawa nito sa aktres na si Bea Alonzo. Alam naman ng lahat kung gaano nito ipinapahiya at nilalait si Bea Alonzo sa kanyang mga Instagram post.

Komento pa ng isang netizen, kung totoong confrontational ang kanyang mga post bakit naka limited comments ang mga post nito. Tila pinapatunayan lamang umano ni Lolit Solis ang mga pahayag ni Shirley Kuan laban sa kanya na isa siya bully, bastos at pa-victim.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo