Matapos Hiwalayan Si Tom Rodriguez! Carla Abellana May Bago Ng Manliligaw!

Biyernes, Oktubre 7, 2022

/ by Lovely


Muling naging usap-usapan ngayon sa social media si Carla Abellana matapos ang ilang linggong pananahimik matapos ang hiwalayan nila ng mister na si Tom Rodriguez.

Ayon sa aming nakalap na impormasyon, aprubado na ang divorce ng mag-asawang Carla Abellana at Tom Rodriguez sa Amerika habang nasa proseso naman ang annulment case nila rito sa Pilipinas. Hanggang ngayon ay nananatili pa ring tikom ang bibig ng dalawang kampo hinggil sa tunay na dahilan ng hiwalayan nilang dalawa.

Tila balik naman sa dati ang buhay nilang dalawa at nagfo-focus na lamang sa kani-kanilang buhay as a single. Kasalukuyang, walang active projects ang dalawa sa showbiz at tila naghihintay na muling mabigyan ng projects matapos ang ilang buwan na pananahimik.

Samanutala, usap-usapan ngayon online ang umano'y pagkakaroon ng bagong manliligaw ni Carla Abellana. Matatandaang ilang buwan pa lamang ang nakakalipas matapos pumutok ang isyu ng hiwalayan nila ng asawang si Tom Rodriguez.

Ayon sa inilabas na ulat mula sa isang reliable source, may bagong manliligaw umano itong si Carla Abellana na nasa pulitika. Kasalukuyan na umanong nagdadate ang dalawa na hindi naman pinangalanan kung sino.



Malakas naman ang kutob ng ilang mga netizens na totoo ang tsismis na ito dahil makikita naman umano sa aura ni Carla na tila hindi man lang dumaan sa isang hiwalayan. Napaka-blooming kasi ngayon ng aktres at makikita ang saya sa kanyang mukha.

Samantala, kasalukuyang nananahimik pa rin ang actress at walang inilabas na pahayag tungkol sa isyung ito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo