Miss Supermodel Worldwide Winner Is Philippines!

Linggo, Oktubre 16, 2022

/ by Lovely


Itinaas ng tatlong Pinay ang bandera ng Pilipinas sa loob ng dalawang araw sa magkasunod na International Pageants. Isa sa mga ito ang matagumpay na naiuwi ang korona at karangalan sa bansa.

Wagi bilang Miss Supermodel Worldwide 2022 si Alexandra Rosales na ginanap sa India. Sa kauna-unahang pagkakataon na iuwi ng kandidata mula sa Pilipinas ang korona bilang Miss Supermodel Worldwide. Ang grand finals ay ginanap sa Leela Palace in Jaipur.

Nanalo namang first runner up ang kandidata mula sa Netherlands na si Kaylee Roxanne Zwart. Second runner up naman ay mula sa Indonesia na si Nova Retalista, mula sa France naman ang third runner up Sonia Mansour at bilang fourth runner up si Alina Cheveleva ng Kazakhstan.

Matatandaang sumali si Alexandra Rosales sa Miss Southeast Asian Ambassadress noong 2015 at nagwagi bilang first runner up.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo