Mungkahi Ng Lolo Ni Deniece Cornejo Areglo Nalang! | Abogado Lang Ang Nakikinabang?

Miyerkules, Oktubre 12, 2022

/ by Lovely


Nagsalita na ang lolo ni Deniece Cornejo na si Atty. Axel Gonzales na sa kanyang opinyon mas nakakabuting pag-usapan na lamang nina Vhong Navarro at apong si Deniece Cornejo ang tungkol sa mga isinampang kaso ng isa't-isa.

Naitanong sa lolo ni Deniece Cornejo na si Atty. Axel Gonzales kung ano ang opinyon niya sa palitan ng mga isinampang kaso nina Deniece at Vhong Navarro sa isa't-isa. Ayon sa lolo ni Deniece, walang magandang kahihinatnan ang palitan ng kaso ng dalawa. Mas mabuti umanong isettle na lamang nila ang mga ito at mag move on.

Samantala, idiniin naman nito na ito'y base lamang sa kanyang opinyon at hindi umano niya pangungunahan ang bagong lead leagal counsel ni Deniece na si Atty. Calleja.



Nagbigay naman ng pahayag ang bagong abogado ni Deniece at sinabing hindi siya pabor sa pagpapasettle ng kaso. Ang nararapat umano para sa kanya ay ma-prosecute si Vhong Navarro at mapatunayan na totoong hinalay ni Vhong si Deniece.

Wala rin umano sa plano nila ang pakikipagsettle at hindi nila ito napag-uusapan.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo