Ogie Diaz May Rebelasyon Hingil Sa Madalas Na Pang Babash Ni Lolit Solis Kay Bea Alonzo!

Linggo, Oktubre 9, 2022

/ by Lovely


Napag-usapan sa Youtube Vlog ng talent manager at komunistang si Ogie Diaz ang madalas na panlalait ni Manay Lolit Solis sa aktres na si Bea Alonzo.

Matatandaang nagsimula ang lahat ng ipatanggal umano ni Bea Alonzo sa mga invited guest ang pangalan nina Lolit Solis at kasamahan nito sa launching ng bagong endorsement ni Bea. Mula noon ay kung ano-ano na lamang ang mga panlalait ni Manay Loliit kay Bea.

Samantala sa isang vlog nina Ogie Diaz sa kanilang Youtube channel, naitanong kasi ni Mama Loi kung ano ba talaga ang malaking kasalanan na nagawa ni Bea Alonzo kay Lolit Solis kaya hindi nito tinatantanan ang aktres. Sagot naman ni Ogie,hindi talaga kay Bea nagagalit si Lolit Solis kundi sa manager ng aktres. Ayon sa source ni Ogie Diaz ang manager ni Bea Alonzo na si Shirley Kuan ang nagpatanggal sa pangalan ni Lolit Solis sa mga invited guests.



Paglilinaw pa ni Ogie, walang kinalaman si Bea Alonzo sa pagpapatanggal kay Manay. Ang pagkakatanggal sa pangalan nito ay nasa pagitan lamang nila ng Manager ni Bea na si Shirley.

Dagdag pa ni Ogie, ginagamit lamang umano ni Manay Lolit ang pangalan ni Bea Alonzo sa kanyang mga posts upang agad mapansin ng mga netizens.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo