Pagmamayabang Ni Sharon Cuneta Sa Hermes Huwag Tularan Ayon Sa Isang Pari!

Lunes, Oktubre 3, 2022

/ by Lovely


Hanggang ngayon ay trending pa rin ang nangyaring pagtataboy kay Sharon Cuneta ng isang luxury store sa South Korea. Umaani ng samu't saring komento at reaksyon mula sa mga netizens ang naganap na insidente.

Tila hindi nakaligtas sa isang Katolikong Pari ang nangyaring pagpapaalis kay Sharon Cuneta ng isang luxury store. Lalong-lalo na ang paglipat ni Sharon sa kabilang shop at doon namakyaw ng iba't-ibang mamahaling gamit. Pagkatapos ay muling dumaan si Sharon sa naunang store na tumanggi sa kanya.

Ayon sa Tweet ni Fr. Nongnong Tuazon, hindi niya nagustuhan ang pagpapakita ni Sharon ng kanyang pinamiling items sa doorman ng Hermes.

"Sana a little prudence naman dun sa isang sikat singer at actress na nagflaunt ng yaman on video. Daming designer bags/items ang binili sa isang tanyag na store. It is not about affording it but being discreet about it. Kailangan ba talagang naka video at i-post?"

Wala namang pinangalanan ang pari sa nasabing  post, gayunpaman agad nakuha ng mga netizens na si Sharon Cuneta ang tinutukoy nito.

May ilang netizens na ipinagtanggol ang Mega Star, naiintindihan umano nila ang nararamdamang pagkapahiya ni Sharon kaya napa shopping ito sa kabilang shop. May ilang netizens din na ipinunto pa na kaya naman umano ni Sharon ang bumili ng mamahaling gamit.

Sinagot naman ito ni Fr. at sinabing alam naman umano niya ang kinasangkutang isyu ng aktres. Ngunit ipinunto din niya na mas nakakabuti pa rin ang pagiging mapagmakumbaba.



( Hide )
  1. Hinde nman magsasalita Ang sambahan ng ikakapahiya nito .. SINISINOP TALAGA NG MGA PARI ANG WORDS OF WISDOM... ako lang munting Kubo gay Ang puedeng makaunawa Kay ate shawie.. kase di Naman mangangaral ng Diyos... Taga sunod lang ako ni kristo...

    TumugonBurahin

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo