Paolo Contis Harapang Minura Si Baron Geisler Sa Publiko!

Huwebes, Oktubre 13, 2022

/ by Lovely


Bigla na lamang minura ni Paolo Contis si Baron Geisler sa kanyang Facebook post dahil sa kanyang napanood.

Hindi napigilan ng aktor na si Paoli Contis ang kanyang sarili at minura ang kanyang kaibigan na si Baron Geisler matapos mapanood ang pelikula nitong Doll House. Sa Facebook post ni Paolo, ibinahagi niya ang kanyang larawan na naluluha habang punit-punit ang damit. 

Ayon sa caption nito, "Pun*eta ka Baron Geisler ang aga aga para sa ganitong emosyon! pati tshirt ko di kinaya yung acting mo! Congrats brother! Proud of you!"



 Ang pelikulang Doll House na pinagbibidahan ni Baron Geisler ay ilang araw ng number 1 trending sa Netflix Philippines. Lahat ng mga nakapanood ng nasabing pelikula ay napaluha. Umaani naman ngayon ng mga papuri si Baron dahil sa kanyang galing sa pagganap.

Samantala ni repost naman ni Baron ang naunang post ni Paolo. Ayon pa sa kanya, ay nais niyang makasama sa isang movie ang kaibigan. Isa din umano si Paolo sa mga naging inspirasyon ni Baron habang ginagawa ang pelikula.

Labis naman ang pasasalamat ni Baron sa lahat ng mga sumuporta at tumangkilik sa pelikula nilang Doll House.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo