Paulo Avelino, May Bago Na? Si Kim Chiu Ang Napusuang Maging Partner!

Biyernes, Oktubre 14, 2022

/ by Lovely


Matatandaang humataw sa ratings ang teleseryeng pinagtambalan nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez ngunit sa kabila nito ibinahagi nina Janine at Paulo na hindi muna sila magsasama muli sa isang proyekto. Ibig sabihin, hindi si Janine ang magiging leading lady ni Paulo sa susunod nitong proyekto. Hindi rin si Paulo ang magiging leading man ni Janine.

Magkakaroon ng kanya-kanyang proyekto ang dalawa. Tila sang-ayun naman rito ang kanilang mga tagahanga. Samantala, ayon sa bali-balita na ang magiging leading lady ni Paulo sa kanyang bagong project ay walang iba kundi ang Chinita Princess Kim Chiu.

Ang nasabing proyekto ay under sa Dreamscape Inc. Makakasama rin dito ng dalawa si Maricel Soriano. Sa kabila ng pagbabago ng partner, patuloy pa rin umanong susuporta ang mga tagahanga nina Janine at Paulo sa magiging project nila sa kabila ng pagpapalit ng partner.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo