Rep. Sandro Marcos, Nagpaliwanag Na Sa Viral Photo Nila Ni Alexa Miro!

Biyernes, Oktubre 7, 2022

/ by Lovely


Nagbigay na ng pahayag ang Presedential son at Congressman na si Sandro Marcos hinggil sa mga isyung kumakalat sa social media.

Ayon sa kanya, libre ang kanyang pagpunta sa isang race event sa Singapore kamakailan. Naging laman ng usap-usapan sina Cong. Sandro Marcos at Alexa Miro matapos kumalat sa social media ang mga larawan nilang magkasama. Kung saan tila enjoy na enjoy sila habang nanonood ng racing event.

Samantala, kumakalat ngayon ang video kung saan makikita ang panayam kay Cong. Marcos. Makikitang ipinaliwag ni Cong. Sandro Marcos sa nasabing panayam ang dahilan kung bakit siya nagpunta sa Singapore at ang buong detalye ng kumakalat nilang larawan ni Alexa Miro.

"Noong nandoon ako sa Singapore, hindi ko sinamahan ang tatay ko. May sarili akong lakad, we were 12 of us, ako at ang aking mga kaibigan. Matagal na naming plinano yan, matagal na naming plinano yan, mattagal na naming binook 'yan."

Matagal na rin umano nilang kilala ang organizer, kaya naimbitahan sila sa kabila ng kanilang bilang. Inimbitahan umano sila ng organizer at libre ang lahat kaya napaka-swerte umano niya. Nagsalita na rin si Sandro hinggil sa balitang nobya niya ang sexy actress na si Alexa Miro.

Ayon kay Sandro, magkaibigan lamang sila ni Alexa mula pa noon. Ipinaliwanag din ni Sandro ang kumakalat na larawan nila ng aktres. Ayon kay Cong. Marcos, staged lamang umano ang kanilang picture. May lumapit lamang sa kanilang at sinabing pipicturan sila. Pinagcheers at kailangan umano nilang magmukhang masaya sa picture.



Hindi din umano alam ng Congressman na lalabas sa website ng F1 ang nasabing larawan. Buong akala umano niya ay amateur photographer lamang ang umiikot. Matatandaang nauna ng nalink ang dalawa sa isa't-isa ilang buwan ang nakakalipas.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo