Rosmar Tan Matapang Na Rumesbak Matapos Ang Balitang Idenemanda Sya Ni Miss Glenda!

Martes, Oktubre 11, 2022

/ by Lovely

 

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang CEO ng Brillant Skin na si Miss Glenda Victorio.

Pormal nang nagsampa ng kaso si Miss Glenda sa umano'y paninira sa kanya at pagdamay sa kanyang pamilya ng mga pinagpopost ni Rosmar sa laban kanya. Maging ang kanyang kalusugan ay naapektuhan na rin sa mga ginagawa ni Rosmar sa kanya.

Sa kanyang latest post, ibinahagi ni Miss Glenda ang larawan nila ng kanyang legal team. Matatandaang, isinugod sa hospital si Miss Glenda ilang linggo na ang nakakalipas. Ito'y sa gitna ng umano'y paninira sa kanya ng isa pang CEO na si Rosmar Tan.

Matatandaang, humingi ng tulong si Miss Glenda sa programa ni Sen. Raffy Tulfo matapos ang umano'y labis na paninira ni Rosmar sa kanya at sa pagdamay nito sa kanyang pamilya. Samantala, tila hindi naman nagpatinag si Rosmar sa kabila ng pagsasampa ni Miss Glenda ng kaso laban sa kanya.

Agad na nagpost si Rosmar sa kanyang Facebook account at sinabing, natatawa na lamang siya sa mga tao na nagsasabing dapat ay kabahan na siya dahil sa pagsampa ng kaso ni Miss Glenda laban sa kanya.

Hindi rin inatrasan ang kanyang mga bashers kasunod ng balitang kinasuhan siya ni Miss Glenda. Ayon sa kanya, magsasampa din siya ng kaso sa ilang mga tao na hindi na niya pinangalanan. Sinabi pa ni Ms. Glenda na sana ay kayanin ng lacash ng mga taong ito hanggang sa dulo.

Kasunod naman nito ay sinabi ni Rosmar sa kanyang post na hindi siya natatakot kahit pa ubusan ng cash ang labanan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo