Ruffa Gutierrez at Vina Morales Nag Reak Sa Cryptic Message Ni Sunshine Cruz!

Lunes, Oktubre 10, 2022

/ by Lovely


Naging mainit na usapin sa mundo ng showbiz ang bali-balitang hiwalayan nina Sunshine Cruz at nobyo nitong si Macky Mathay.

Tila kinumpirma naman ni Sunshine Cruz ang usaping hiwalay na sila ng boyfriend matapos magbahagi ng cryptic post sa kanyang social media account. Ayon sa post ni Sunshine, "Some people are only meant to stay in your heart not in your life."

Nilagyan pa ito ng aktres na caption na, "People come and go, it may be hard to understand why things happen unexpectedly. For some of us, letting go of someone you loved with all your heart can definitely give us so much pain and sadness but in life, there are some things we cannot control. What matters is the lesson we learned, the love that was shared and the wonderful memories that will always be in our hearts. Life goes on."


Hinuha naman ng mga netizens na ito na ang kumpirmasyon ni Sunshine sa hiwalayan nila ni Macky. Matatandaang nag-unfollow sa isa't-isa sina Macky at Sunshine sa kani-kanilang Instagram account. Ang pag-uunfollow sa isa't-isa ng mga celebrity couples ay isa sa mga signs na nagkakalabuan na ang mga ito o di kaya ay naghiwalay na.

Marami naman sa mga tagahanga ni Sunshine ang nalungkot sa nangyari sa kanilang relasyon ni Macky. Inakala kasi ng mga ito na si Macky ang magiging forever ni Sunshine matapos anh hiwalayan nila ng asawang si Cesar Montano.

Maging sina Ruffa Gutierrez at Vina Morales ay hindi napigilan na makapagbigay ng komento hinggil sa cryptic post ni Sunshine. Ipinakita nila ang kanilang pagsuporta para sa kanilang kaibigan.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo