Sarah Geronimo Grabeng Hataw Sa Pagbabalik Entablado Habang Kinakanta Ang "Dati Dati"

Biyernes, Oktubre 14, 2022

/ by Lovely


Nagbabalik na sa pagpeperform sa entablado ang tinaguriang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo. Sa mga ibinahaging video makikita ang todo hataw na pagsayaw sa kaniyang kantang Dati Dati.

Makalipas ang ilang taong pamamahinga ni Sarah sa pagpe-perform ay hindi pa rin maikakaila na hindi pa rin kumukupas ang galing nito sa pag-awit at sa pagperform nito sa stage. Masaya at energetic na sinabayan ng pagsayaw ang kanyang pag-awit.

Labis naman na natutuwa ang kanyang mga tagahanga sa muling pagbabalik sa pag peperform ni Sarah. Matatandaang pansamantalang tumigil si Sarah sa pagpeperform noong kasagsagan ng pandemya. Matapos nito ilang beses ding naissue na lilipat ito sa kabilang network dahil sa kawalan ng project sa ABS-CBN.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo