Serena Dalrymple Ikinasal Sa Kanyang French Non-Showbiz Boyfriend Na Si Thomas Bredillet!

Martes, Oktubre 4, 2022

/ by Lovely


Ikinasal na sa kanyang non-showbiz French boyfriend na si Thomas Bredillet si Serena Dalrymple.

Isang beach side wedding ang naganap sa pagitan ng dalawa na ibinahagi ni Serena sa kanyang social media accounnt nitong Oct. 3, 2022.

"Hello, I'm Mrs. Bredillet (10/01/2022)," simpleng caption ni Serena sa kanyang Instagram post kalakip ang #newlyweds.

Agad namang nagpaabot ng mga pagbati ang dating kasamahan noon ni Serena, tulad na lamang kina Shaina Magdayao, Carlo Aquino at Amy Perez.

Unang nagkakilala ang dalawa noong 2018. Nagkaroon naman sila ng bahay sa New Hampshire noong 2020. Nitong nakaraang taon lamang ng mapansin ng kanyang mga followers na nakasuot na siya ng isang engagement ring.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo