Nakarating na sa isang Korean News Website ang insidenteng kinasangkutan ni Sharon Cuneta kamakailan sa Hermes Store sa South Korea.
Naging headline si Mega Star sa balita sa South Korea at isinulat ang umano'y discrimination na naganap. Isinalaysay sa nasabing site ang inilabas na part ng Youtube vlog ni Sharon. Isinulat din ang ilang mga komento ng mga netizens sa bansa kagaya na lamang ng umano'y discrimination at reservation policies sa mga luxury stores.
Agad namang umani ng samu't-saring komento at reaction ang nasabing balita mula sa ilang mga Soutn Korean netizens. May ilan na nilalait si Sharon Cuneta at tinatawag sa kung ano-anong pangalan. Kagaya na lamang ng pig, monkey at stupid.
Agad namang ipinagtanggol ng mga Pilipino netizens si Sharon Cuneta laban sa mga panlalait ng ilang South Korean netizens. Samantala, nananatiling tahimik si Sharon hinggil sa insidenting ito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!