Binigyan ng linaw ni Mega Star Sharon Cuneta ang mga isyung binabato sa kanya matapos ang viral na hindi pagpapasok sa kanya ng luxury store na Hermes sa South Korea.
Sa latest vlog ni Ms. Sharon Cuneta binigyan niya ng linaw ang mga isyung ibinato sa kanya dahil sa nangyari noon.
Ayon kay Sharon, never siyang nagalit sa security guard ng Hermes Store dahil ginagawa lamang umano nito ang kanyang trabaho. Ipinagdidiinan din ni Sharon na alam niya na kailangan ng appointment bago makapasok sa Hermes Store. Nagbabakasakali lamang umano siyang makapasok rito.
Paglilinaw din ni Sharon, na wala na siyang ibang kailangan pa sa Hermes at tanging belt lamang ang sinadya niya roon.
Tungkol naman sa pagdaan nila sa harap ng Hermes Store habang dala-dala ang kanilang pinamili mula sa Louis Vuitton sinabi ni Sharon na hindi naman siya nagmamayabang sa guard ng ipakita ang kanilang pinamili.
“Hindi rin ako nagyabang. Kaya sabi ko, ‘Yes, I cannot go inside. Look, I bought everything.’ Ginanun ko lang siya, pero nakangiti ako,” paglilinaw niya.
Tungkol naman sa isang clip mula sa Pretty Woman na makikita sa huli ng kanyang vlog, sinabi ni Sharon na isiningit lamang ito ng kanyang mga editor dahil nagandahan ang mga ito sa eksena at wala silang intensyon na may ma-offend.
Inalmahan din niya ang paratang sa kanya na nais niyang makakuha ng VIP treatment sa store. Ayon kay Sharon, hindi niya ito gagawin dahil alam naman niyang hindi siya kilala sa South Korea.
“Kung meron hong may alam noon, walang iba kundi ako. Siyempre ako ang unang-unang may alam. Na hindi naman po ako bobo. Siyempre, alam ko na wala namang may kilala sa akin sa Korea, kundi Pinoy din. So, parang why will you expect VIP treatment from… first of all, I’m not the type, okay?”
Sa huli sinabi ni Sharon na kalimutan na lamang ng lahat ang nangyari dahil nakakahiya na ang pang-iisturbo nila sa kilalang luxury store.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!