Shirley Kuan Binunyag Ang Masamang Plano Ni Lolit Solis Para Kay Bea Alonzo at Marian Rivera!

Linggo, Oktubre 16, 2022

/ by Lovely


Nagbigay na nang sagot ang manager ni Bea Alonzo na si Shirley Kuan hinggil sa mga isyung binabato sa kanila ng kolumnistang si Lolit Solis.

Matatandaang makailang ulit nang binanatan at nilait ni Lolit Solis sila ng alaga na si Bea Alozo. Matapos ang paglipat ng actress sa Kapuso Network wala nang tigil ang pambabanat rito ni Lolit Solis gamit ang Instagram account nito. May pagkakataon pa na tila pinagsasabong ni Lolit Solis ang parehong Kapuso stars na sina Marian Rivera at Bea Alonzo.

Tila ipinapalabas ni Lolit Solis na balak agawin ni Bea Alonzo ang trono ni Marian bilang Primetime Queen sa GMA7. Bagama't baguhan sa GMA7 tila trigger na trigger pa rin si Lolit Solis sa presence ni Bea sa GMA7. 

Matatandaang itinuturing reyna ng mga movies at teleserye si Bea Alonzo sa Kapamilya network dahil sa matagumpay nitong mga pelikula at teleserye. Naging leading lady na rin si Bea sa iba't-ibang magagaling na mga leading actor.

Si Marian Rivera naman ang itinuturing Primetime Queen ng GMA7. Nagkakaroon ng matataas na ratings ang kanyang mga teleserye at naging box office hits ang kanyang mga pelikulang kahit anong genre.

Samantala, kapansin-pansin sa mga post ni Lolit Solis kung paano nito iniaangat at pinupuri si Marian Rivera habang labis na nilalait naman si Bea Alonzo. Ayon kay Shirley, ang pagsasabong ni Lolit Solis kina Marian Rivera at Bea Alonzo ang dahilan kung bakit pinipili na lamang ng kanilang panig na manahimik. Ayaw kasi umano nilang mag-away ang dalawa.

"Precisely why we don't answwer that. Gusto niya mag-away yung dalawa. Kasi no matter how you answer that, damned if you do, damned if you don't. So that's one of those that we chose to ignore."



Pinipili rin umano nilang manahimik upang walang ma-achieve si Manay Lolit Solis mula sa kanila kundi silence. Ayon pa kay Shirley, hindi kasali sa mga layunin nila ni Bea ang pang-aagaw ng korona at pag-rereynareynahan sa GMA7 sa dahilan ng kanilang paglipat sa nasabing network.

Ang nais lamang din umano nila sa pagpirma ng kontrata ay upang magkaroon ng karagdagang mga kaibigan at kung paano sila makikisama sa mga ito. Ipinagdiinan din ni Shirley na kailanman ay hindi nila ipinaparamdam sa mga Kapuso stars na si Bea Alonzo ang Reyna sa paglipat nito sa GMA7.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo