Sino Ang Pulitikong Tumangging Tulungan Si Vhong Navarro?

Miyerkules, Oktubre 5, 2022

/ by Lovely


Itinanggi ng veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin ang mga lumalabas na balitang may mga pulitikong nangingialam sa kaso ni Vhong Navarro.

May mga lumalabas na balitang humingi umano ng tulong si Vhong Navarro sa ilang mga pulitikong nanggaling rin sa showbiz industry. Sa episode ng Showbiz Now Na, napag-usapan nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Romel Chika ang tungkol sa isyung ito ng paghingi umano ng tulong ni Vhong Navarro sa ilang mga pulitiko.

Ayon kay Cristy Fermin, walang katotohanan ang isyu na may mga pulitikong nangingialam sa kasong kinakaharap ngayon ni Vhong Navarro.

"Wala pong pulitiko na magsasabi ng kanilang opinyon na hindi naaayon sa batas."

Ayon sa kanila, hindi umano itataya ng mga pulitiko ang kanilang pangalan para sa kaso ng isang kaibigan. Ang korte umano ang magpapasya nito at hindi sila. Maari lamang na magbigay sila ng simpatya sa nangyayari ngayon kay Vhong Navarro.

Samantala, maging si Cristy Fermin ay nais malaman kung sino ang pulitikong hiningan umano ng tulong ni Vhong Navarro ngunit dineadma lamang siya at ipinasa sa ibang tao.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo