Sylvia Sanchez, May Anunsyo Tungkol Kina Maine Mendoza at Arjo Atayde!

Huwebes, Oktubre 13, 2022

/ by Lovely


Marami na ang nag-aabang kung kailan magaganap ang kasalan nina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin tiyak at wala pang itinakdang araw kung kailan magaganap ang kasalan nina Maine Mendoza at Arjo Atayde. Maging ang ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez ay hindi alam kung kailang magaganap ang kasal ng anak. Ngunit, alam umano niya na mauuwi rin sa kasalan ang dalawa.

Pagbabahagi pa ni Sylvia na nung minsan ay tanungin niya si Arjo kung kailan ang kasal ang tanging sagot lamang umano nito ay malapit na. Dagdag pa nito, na sana ay malapit na dahil gusto na umano niyang magkaapo.

Maging ang mga tagahanga ay paniguradong naghihintay na rin kung kailan magaganap ang kanilang kasal.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo