Ilan araw matapos ang grand coronation night ng Miss Grand International, naging mainit na usapin ang pagresign ng itinanghal bilang 5th runner up. Kasunod nito naglabas ng official statement ang Miss Grand International at in-appoint bilang bagong 5th runner up ang pambato ng Pilipinas na si Roberta Tamondong.
Ayon sa Facebook post ng MGI, "Miss Grand International Organization would like to announce the appointment of Roberta Angela Tamondong, Miss Grand Philippines 2022 as the new 5th runner-up of Miss Grand International 2022. She will be a part of the Top10 and will continue her mission with the MGI team for a year.
Tila tinanggap naman kaagad ni Robeta ang appointment sa kanya ng MGI. Sa kanyang Instagram account nirepost niya ang official statement ng MGI kalakip ang caption na It's Official.
Nauna nang naiulat ang hindi pagpirma ng kontrata ng dating 5th Runner up na si Ms. Grand Mauricius. Ayon rito, hindi niya kayang gampananan ang duties niya bilang 5th runner up. May mga alintuntunin din umano ang Ms. Grand na hindi naaayon sa kanilang paniniwala.
Samantala, umaani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang pagkaka-appoint kay Roberta bilang bagong 5th runner up. Tila ginagamit lamang umano ni Mr. Nawat at MGI si Roberta upang makakuha ng suporta ang MGI sa mga Pilipino.
Matatandaang bumagsak ang followers ng Ms. Grand International sa kanilang Instagram matapos kumalat sa publiko ang panlalait ni Mr. Nawat sa pambato ng Vietnam.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!