Tunay Na Dahilan Ng Pagkawala Ng Facebook Page Ni Ivana Alawi!

Huwebes, Oktubre 6, 2022

/ by Lovely


Hindi naniniwala ang Self-proclaimed Pambansang Marites ng Pilipinas na si Xian Gaza sa pahayag ni Ivana Alawi na bigla na lamang nawala ang kanyang Facebook na may mahit 19 million followers.

Matatandaang naging usap-usapan sa social media ang Instagram post ni Ivana Alawi kung saan ibinahagi niyang bigla na lamang umanong binura ng Facebook ang kanyang verified page na may mahigit 19 million followers nang wala man lang abiso.

Humingi rin siya ng tulong mula sa publiko kung sino ang may kilala na makakatulong sa kanya. Ayon kay Ivana, maging ang ilang mga kilalang personalidad kagaya ng kaibigang si Zeinab Harake ay tinanggal din ang verified pages.

Samantala, ibinahagi naman ni Xian Gaza sa kanyang Official Facebook account na hindi siya naniniwalang bigla na lamang nawala ang Facebook page ni Ivana. Ayon sa kanya, baka sinadya ito ng actress upang maka-iwas sa pagbabayad ng buwis. Ipinunto din ni Xian na hindi basta-basta nagdedelete ng pages ang Facebook ng walang malaking dahilan. Dagdag pa niya, kaduda-duda na halos nagkakasabay-sabay ang pagkawala ng mga pages ng mga sikat na vlogger.



Agad namang umani ng samu't-saring opinyon at komento mula sa mga netizens ang nasabing post ni Xian. May ilan na hindi nanininiwalang iniiwasan nina Ivana at Zeinab ang BIR. Subalit, ayon naman sa iba na may punto si Xian sa kanyang mga isiniwalat.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo