Vice Ganda Nagsalita Na Sa Pag-alis at Pamamaalam Sa It's Showtime!

Huwebes, Oktubre 13, 2022

/ by Lovely


Usap-usapan ngayon sa social media ang isyu na iiwan na ni Vice Ganda ang It's Showtime. Halos dalawang linggo na kasing wala sa noontime show na It's Showtime si Vice Ganda.

May mga lumalabas na mga haka-haka na ang dahilan umano ay naimbyerna at may nakaaway si Vice na kapwa host sa nasabing show. Ayon naman sa ilang mga marites ay sinuspende umano ito sa show kaya nagresign na lamang. May ilan pang nagpapakalat na lilipat na umano ito sa AllTv.

Ngunit ang katotohanan ay busy lamang si Vice sa kanyang shoot sa pelikula nila ni Ivana Alawi. Ito ang unang pagkakataon na magkakasama sina Vice at Ivana sa isang pelikula. Ito rin ang comeback movie ni Vice bilang entry sa pamusong Metro Manila Film Festival.

Binigyang linaw din ni Vice na walang katotohanan na iiwan na niya ang It's Showtime. Samantala, nakarating kay Vice ang video na ipinost ni AC Soriano hinggil sa pagkamiss niya kay Vice Ganda dahil hindi niya ito nakikita sa It's Showtime.

Ayon kay Vice ay babalik siya sa Showtime soon.

"Awww!!! Dami ko lang labada at sinampay. Nag-uuulan pa. I'll be back soon. Love u!" tugon ni Vice sa video ni AC.



Hindi naman nagbigay pa ng karagdagang impormasyon si Vice sa iba pang isyu na kumakalat tungkol sa kanya ngayon. Ngunit, tila napaka-busy lamang nito ngayon dahil sa kanyang movie with Ivana at sa kanyang show na Everybody Sing.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo