Willie Revillame Nagsalita Na! Tinakbuhang 1 Million Pesos Price Mula Sa Wowowin Contestant Winner!

Huwebes, Oktubre 6, 2022

/ by Lovely


Host at producer ng Wowowin na si Willie Revillame, inirereklamo ng isang contestant ng Wowowin sa halagang 1 million pesos price na hanggang ngayon ay hindi pa rin umano naibibigay ng buo.

Nagbigay ng explanation ang kampo ni Willie Revillame tungkol sa reklamo ng Pera o Kahon winner na hindi pa umano natatanggap ng buo ang kanyang napanalunang premyo. Nag-ugat ang usaping ito mula sa Youtube vlog nina Ogie Diaz na Showbiz Update.

Ayon kina Ogie Diaz, naka-usap umano nila ang kapatid ng nanalo ng isang milyon sa segment ng Wowowin na Pera o Kahon. Nasa 400,000 lamang umano ang natanggap ng kanyang kapatid sa napanalunang price noong October 31, 2021 sa Wowowin show ni Willie.

Ayon pa sa kwento ng kapatid ng winner, noong March 2022 pa lamang nila nakuha ang partial na 400,000 pesos sa kanilang napanalunan. Matapos ang limang buwan mula ng manalo. Sinabihan din umano sila na sila na ang bahalang maghabol sa mga sponsors sa kulang na 600,000 pesos sa kanilang price.

Samantala, ayon sa programa nina Cristy Fermin na CristyFerminute, inilahad ni Cristy Fermin ang explanation ng kampo ni Willie hinggil sa nasabing isyu. Bigla na lamang umanong nawala ang sponsor na Zed Philippines kaya hindi naibigay sa winner ang kanyang napanalunang prize.

Ayon pa kay Manay Cristy si Willie na mismo ang nag-abuno ng price para kahit papaano ay may naibigay sila sa nanalo. May mga pinirmahan naman ang mga nanalo. Dagdag pa ni Manay, mahirap talaga kapag may show ka na nagbibigay ng papremyo tapos bigla na lamang nawala ang sponsor.

Ipinunto din ni Cristy Fermin na walang kasalanan ang host na si Willie Revillame at maging ang GMA7. Ang may malaking kasalanan ani ni Cristy ay ang sponsor na bigla na lamang umatras.

Samantala, ayon naman sa nakapanayam nina Ogie Diaz na kapatid ng winner ay napilitan lamang umano silang permahan ang waiver para makuha ang 400,000 na wala pa sa kalahati ng kanilang napanalunan kaysa sa wala silang makuha.

Agad namang umani ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens ang pangyayaring ito. May ilang nagsasabi na obligasyon ni Willie ang maghabul at magbigay ng premyo dahil show naman niya yun. Ang ilan naman ay nagsasabi na huwag na lamang magpapalaro kung paasahin lamang pala ang mga mananalo.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo