Aiko Melendez Tinulungan Ang Pamilyang Naninirahan Sa Sementeryo!

Miyerkules, Nobyembre 23, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi ni Aiko Melendez sa kanyang kamakailang vlog ang pagtulong sa isang pamilya na naninirahan sa likod ng isang nitso sa sementeryo.

Nagpunta si Konsehal Aiko Melendez sa Bagbag cemetery upang personal na dalawin ang pamilya na nais niyang tulungan.

Nakatira ang pamilya ni Myrna sa likod ng mga nitso sa naturang sementeryo, sa isang maliit na silid na nasa ikalawang palapag.

Bagama't may asawa naman si Myrna na nagtatrabaho para sa kanilang pamilya ay kulang pa rin ito at kinakapos pa rin sila sa kanilang mga pangangailangan araw-araw. Hindi rin maaring mamasukan si Myrna dahil may dalawa pa siyang maliliit na anak.

Agad namang nag-abot ng mga grocery at mga gamit ng bata si Aiko para kahit papaano'y makatulong sa pamilya. Nagbigay din ng tulong pinansyal si Aiko upang makapagsimula si Myrna ng isang maliit na pagkakakitaan.

Ayon pa kay Aiko, patuloy siyang maglilibot upang magbigay ng tulong sa ilang mga nangangailangang pamilya at labis na naghihikahos.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo