Alden Richards at Eat Bulaga Kailangan Nang Maglabas Ng Pahayag Tungkol Sa 'Aldub Cult'!

Lunes, Nobyembre 7, 2022

/ by Lovely


Nananawagan ang ilang mga netizens na dapat nang pumagitna at magbigay ng pahayag sina Alden Richards at mismong management ng Eat Bulaga hinggil sa lumalaganap ngayong 'Aldub cult'. Dapat na umano nilang tulungan si Maine Mendoza sa pagpapaliwanag na hindi nangyayari sa totoong buhay ang kanilang ginawa para sa show.

“Everyone should mention @aldenrichards02 and @EatBulaga and tell them to make a statement about the Aldub cult. Help Maine kasi sobrang disturbing na,” panawagan na ng isang Twitter user kamakailan.

Matatandaang, umani pa ng pambabatikos ang pagpapa-interview ni Maine Mendoza kay Ogie Diaz kung saan ipinaliwanag nito ang kanilang totoong relasyon ni Alden. Nanawagan din si Maine na sana'y itigil na ng mga Aldub fans ang delusion na may anak na siya kay Alden.

Samantala, maging si Ogie Diaz ay nanawagan din na sana'y mag-move on na ang mga ito at huwag nang mabuhay sa nakaraan.

“Sana nga maringgan natin ang Eat Bulaga kung ano ang kanilang press statement para dito,” saad ni Ogie.

“Hindi dahil sa nakikisawsaw sila sa isyu kundi dahil syempre doon nabuhay ang AlDub,” dagdag pa ng co-host na si Mama Loi.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo