Alden Richards Nagsalita Na Sa Isyu Ng Anak Nila Ni Maine Mendoza!

Lunes, Nobyembre 14, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi ni Manay Cristy Fermin sa latest episode ng kanyang vlog na agad niyang kinausap si Alden Richards hinggil sa ibinahagi ni Maine Mendoza sa panayam ni Ogie Diaz.

Kinausap umano kaagad ni Manay si Alden kung may katotohanan nga ba ang mga claims ng ilang fans na may anak na sila ng aktres at matagal na silang ikinasal.

Agad naman umanong sumagot si Alden at sinabing walang katotohanan ang lahat. Ayon pa umano kay Alden ay matagal na niya itong nilinaw sa isang panayam. Gayunpaman, tila hindi umano ito nakarating sa ibang myembro ng Aldub Nation kaya naman kapit na kapit pa rin ang mga ito sa pagkakaroon nila ng 'pamilya' ni Maine Mendoza.

"Pagkatapos niyang mapanaood ang ating episode, alam mo nakakuha agad ako ng reaksyon mula sa kanya thru text at tawag. Napakamarespeto, ang sabi niya 'yun pong napag-usapan niyo na content ngayon sa SNN, matagal ko na rin pong ipinaliwanag yan. Matagal ko na pong sinabi na wala pong katotohanan ang isyu kaya lamang po, baka hindi nakarating sa iba o baka natabunan ng ibang interviews ko 'yung paliwanag ko," sey ni Manay Cristy.

Dagdag pa ni Manay Cristy, na hindi na maari pang husgahan si Alden sa 'pananahimik' nito sa isyu dahil matagal na pala nitong nilinaw ang buong katotohanan. Kaya lang may mga fans talaga na mahirap paintindihan at pinaniniwalaan lamang ang kanilang gustong paniwalaan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo