Aljur Abrenica Inamin Na Pinakamalungkot Ang Unang Pasko Matapos Ang Hiwalayan Nila Ni Kylie Padilla!

Miyerkules, Nobyembre 16, 2022

/ by Lovely


Nagpaunlak ng isang interview si Aljur Abrenica sa isang showbiz insider na si Morly Alinio.

Sa nasabing panayam game na sinagot ni Aljur ang mga katanungan sa kanya ni Morly Alinio.

Tinanong ni Morly ang aktor kung kailan ang kanyang pinakamasayang pasko. Agad itong sinagot ni Aljur na noong tinupad ni Santa Claus ang kanyang kahilingan.

Ang pinakamalungkot naman umanong pasko ni Aljur ay noong unang pasko matapos ang paghihiwalay nila ni Kylie. Kung saan hindi niya nakasama ng buo ang kanyang pamilya.

"Pinakamalungkot, siyempre yung first Christmas na, na hindi ko kasama yung pamilya ko. Yung separation namin ni Kylie," pagbabahagi ni Aljur.

Nauna nang naiulat na commitment ang ibibigay na pamasko ni Aljur Abrenica kay Kylie Padilla.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo