Andrew Schimmer May Panibago Balita Sa Kalagayan Ng Asawa Na Comatose!

Huwebes, Nobyembre 17, 2022

/ by Lovely


Muling nagbahagi ng update ng kalagayan ng kanyang asawa na nasa hospital si Andrew Schimmer.

Ayon kay Andrew marami siyang magandang balita tungkol sa kalagayan ni Jho ngayon. Nagpapakita rin umano ng improvements ang kanyang asawa araw-araw.

“Isa mga good news natin is nato-tolerate na ulit 'yung kanyang digestive system, 'yung feeding. Ang naging problem natin nu'ng last time 'yung biglang nagda-drop 'yung kanyang blood pressure. So 'yun 'yung pinag-iisipan nila last time kung ibababa ulit siya sa ICU para maobserbahan siyang maigi. So far, hindi na natin kailangan gawin 'yon kasi right now, without the help of any kinds of medícation, very stable 'yung kanyang blood pressure. So right now, ang kanyang blood pressure is 123/93," masayang pagbabahagi ni Andrew Schimmer.

Maayos na rin umano ang oxygen saturation ngayon ni Jho na nagpapakita lamang na patuloy pa rin itong lumalaban sa kanilang pamilya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo