Anne Curtis at Kim Chiu Aminadong Isinantabi Ang Pride Para Sa Pag-Ibig!

Huwebes, Nobyembre 24, 2022

/ by Lovely


Maging ang mga magagandang mukha artista na sina Anne Curtis at Kim Chiu ay naranasan ring isantabi ang pride dahil sa pag-ibig.

Sa episode ng It’s Showtime nitong Martes, November 22, kung saan nagho-host sina Anne Curtis at Kim Chiu sa segment na 'Tawag Ng Tanghalan' ay napag-usapan ang kanilang mga karanasan sa love.

Ang pinag-ugatan ng kanilang pag-aalala sa nakaraan ay ang mga kanta ng mga contestants na 'Beggin' particular na ang lyrics na, 'I'm begging you.'

Naitanong ni Vice Ganda kay Anne Curtis kung naranasan na ba niyang magmakaawa sa ngalan ng pag-ibig. Sa kabila ng pagiging tanyag na artista.

“Totoo naman, yes, nangyayari talaga iyon. Oo, nangyari naman siya sa akin, but I think yun lang din yung maganda. Because I think that is what makes you realize na saturation point na siguro iyon na makakahanap ka, na hindi ka na aabot sa ganoong klaseng puwesto na you’re begging,” sagot ng aktres.

Ayon pa kay Anne na dumating rin ang time na hindi na niya inaalala ang pride.

“Wala, wala, hindi mo iniisip yun, e. Durog yung pride. Hindi mo iniisip kasi mahal mo yung tao,” dagdag pa ni Anne Curtis.

Maging si Kim Chiu ay naitanong din ni Vice Ganda na agad din namang sinagot ng aktres.

“Opo. Siguro lahat tayo pagdadaanan iyon kasi hindi [tayo] mabubuo. Totoo. Lahat pagdadaanan mo talaga ang iba’t ibang klase ng love. At the end of the day, mari-realize mo, ‘Ay, buti na lang tapos na,’ ganun. ‘Ay, buti na lang nakangiti na ako ngayon’. Kailangan mo siyang daanan. Di mo siya dapat lampasan.”

Sa kabila naman ng lahat ng pinagdaanan nila, hindi pa rin umano pinagsisihan ng dalawang aktres-host ang mga pinagdaaanan dahil ito ang nagpapatibay sa kanila at lalo pa umano silang gumaganda.

Matatandaang naging kontrobersyal ang pinagdaanang relasyon nina Anne Curtis at Kim Chiu sa kani-kanilang ex-boyfriend.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo