Bea Alonzo Nakakuha Ng Golden Visa Sa Spain Matapos Mag-Invest ng 30 million pesos!

Martes, Nobyembre 22, 2022

/ by Lovely


Masayang ibinahagi ng Kapuso actress na si Bea Alonzo na isa na siyang legal resident ng Spain sa naganap na media presscon para sa nalalapit na pagtatapos ng Start Up PH.

Galing umano si Bea Alonzo sa isang mahabang bakasyon sa Europe para makuha ang kanyang Golden Visa. Sa pagkakaroon ng aktres ng Golden Visa, isa na siyang legal resident ng Spain.

“Galing ako sa isang mahabang bakasyon. 26 days, almost a month. Kakauwi ko lang this week from Europe. The reason why I went there was because I wanted to get my Golden Visa to Spain, so am now a resident of Spain,” pagbabahagi ni Bea.

Maituturing bilang legal resident ng Spain ang mga hindi pa residente sa nasabing bansa sa pamamagitang ng RBI (Residency by Investment). Kailangang mag-invest ng sa real estate sa halagang di bababa sa 500,000 Euros o halos P30 million.

Matatandaang noong nakaraang May 2022, masayang ibinahagi ni Bea Alonza na natupad na niya ang isa sa kanyang mga pangarap, ang magkaroon ng bahay sa Spain.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo