Bianca Manalo Kasama Ni Jayson Gainza Sa Paglipat Sa GMA7!

Miyerkules, Nobyembre 23, 2022

/ by Lovely


Kabilang ang beauty queen-turned-actress at dating Kapamilya na si Bianca Manalo sa ginanap na 'Signed to Stardom' ng Sparkle GMA Artist Center, para sa mga dati at bagong Kapuso artists nila.

Kasama pala ito ng komedyanteng si Jayson Gainza sa paglipat sa GMA7.

Samantala, hindi na bago ang usapin na lilipat sa Kapuso Network si Bianca dahil dumalo siya sa GMA Thanksgiving Gala ng network noong July 30, kasama ang partner na si Senador Win Gatchalian.

Matatandaang kabilang si Bianca Manalo sa mga cast ng hit teleserye na The Broken Marriage Vow na pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria. Sa Kapamilya network din niya inumpisahan ang kanyang acting career matapos ang pagsali sa iba't-ibang pageant.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo