Ang EDDYS (Entertainment Editors' Choice Awards) ay isang paraan para kilalanin, bigyang-inspirasyon, at bigyan ng karangalan ang ilang personalities na naging dahilan kaya lumago ang Industriya ng Showbiz sa bansa.
Isa sa mga highlight ng EDDYS ngayong taon ay ang tribute para kay La Primera Contravida Cherie Gil at Queen of Philippine Cinema na si Susan Roces. Ang dalawang yumaong aktres ay magpakailanman kikilalanin bilang mga beacon ng industriya ng pelikula sa Pilipinas.
Binigyan sila ng tribute sa 5th EDDYS Awards nitong November 27, 2022. Kinanta naman ni Ice Seguerra ang emosyonal na rendition niya sa kantang "Minsan Minahal Ay Ako", habang nasa background ang mga video ng ilan sa kanilang mga iconic na eksena.
Tinanggap ng kapatid ni Cherie Gil na si Christopher De Mesa ang award para sa yumaong aktres.
“Maraming, maraming salamat po to the Society of Philippine Entertainment Editors. Thank you so much for giving this recognition to my sister, Cherie, and I’m very sure that if she was with us tonight, she would gladly, happily, and proudly accept this. It’s just so sad that she is not with us anymore, but she left a strong footprint for us to remember her by.” pahayag nito.
Present naman sa nasabing awarding ang mga pamangkin ni Susan Roces na sina Joseph at Jeff Sonora upang tanggapin naman ang award nito.
“Sa lahat na bahagi ng buhay niya, the people in the industry have always been beside her. And even though she’s gone now, we still feel that everybody is beside her, looking out, paying tribute, appreciating her. Thank you.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!