Bonggang Regalo Ni Vice Ganda Kay Ion Perez Sa Kanilang 4th Anniversary!

Martes, Nobyembre 8, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi ng Unkabogable Star Vice Ganda sa kanyang latest vlog ang ibinigay niyang regalo kay Ion Perez para sa kanilang 4th anniversary.

Sa harap ng kanilang mga kaibigan at pamilya, ibinigay ni Vice ang kanyang regalo para sa anniversary nila ni Ion.

Ayon kay Vice Ganda, si Ion Perez ang nagsisilbing lakas niya sa tuwing may pinagdadaanan siya.

“Siya ‘yung kapayapaan ko sa panahon ng kangaragan, sa panahon ng kai-stress-an. Just like recently, ang dami kong fragile moments and Ion was trying to be very strong for me,” pahayag ni Vice.

Dagdag pa ni Vice Ganda na si Ion ang pinakamagandang regalo sa kanya ng Panginoon. Isang taong naging sandigan niya at nagbibigay lakas.

Hiling ni Vice na palaging maalala ni Ion ang kanilang masasayang sandali ni Ion sa tuwing nakikita at suot niya ang singsing. Ang ibinigay rin niyang singsing ay sumisimbolo ng kanilang pagmamahal sa isa't-isa.

Matatandaang, nagpakasal sina Vice Ganda at Ion Perez noong October 2021.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo