Celeste Cortesi Bumagsak Sa Kanyang Pasarela Training Mga Fans Nabahala!

Linggo, Nobyembre 27, 2022

/ by Lovely


Ipinasilip ng kakatawan sa Pilipinas para sa Miss Universe pageant na su Celeste Cortesi ang kanyang pagti-training. Dalawang buwan bago ang prestigious pageant na gaganapin sa darating na Enero sa susunod na taon.

Sa isang vlog nitong sabado, ibinahagi ni Celeste ang ilang paghahanda na ipinakita ng Empire Philippines para masiguro ang ikalimang Miss Universe crown para sa bansa.

Kabilang na rito ang pagiging active ni Celeste bilang volunteer at spokesperson sa kaniyang charity works sa tulong ng kaniyang organization at ng Save the Children Foundation.

Noong 2018 pa lamang nanirahan  si Celeste sa Pilipinas mula sa Italy.

Makikita rin sa vlog ang puspusan at masayang pagti-training ni Celeste para sa nalalapit na competition.

Samantala, ikinabahala naman ng ilang mga pageant fans ang pagbagsak ni Celeste sa kalagitnaan ng pag-eensayo dahil sa pagkakatapilok. Subalit, inassure naman ni Celeste na maayos lamang siya at agad na nakabangon.

“I fell down during my pasarela training and it was like after two hours of walking. Yes, I fell down but I stood up immediately. I believe I was very tired but I was so very happy because I learned so many things during that training,” pagpapahayag ni Celeste.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo