Labis na nagpapasalamat si Charo Santos sa mga taga-subaybay ng Maalaala Mo Kaya sa loob ng 31 years.
"What can I say? I can only say thank you. Thank you so much for all the years that they've supported 'Maalaala Mo Kaya.' At saka nakakataba ng puso na we're on our last two episodes ay talagang lungkot at panghihinayang ang naririnig mo sa avid fans ng programa. But you know ganoon ang buhay. Life goes on," paglalahad ni Charo sa isang panayam.
Sinabi rin ni Charo na nabili na ng Africa ang MMK kaya dina-dub nila ito ngayon sa English. Hiling din ngayon ni Charo na sana ay magustuhan ng African audience ang MMK upang lalo pa itong lalaganap sa iba't-ibang parte ng mundo.
Samantala, sa pagwawakas ng MMK hangad ni Charo na mapabilang sa mga pelikula at series.
"Gusto kong gumawa ng pelikula. At saka sana ay may serye na dumating, hindi ba?" pahayag nito.
Nitong November 21 isinapubliko ni Charo na ilalabas ng MMK ang last episode nito ngayong December. Matatandaang unang napanood ang MMK sa telebisyon noong 1991.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!