Cristy Fermin Binalaan Si Ronnie Liang, Hindi Nagustuhan Ang Post!

Biyernes, Nobyembre 18, 2022

/ by Lovely


Hindi nagustuhan ng veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin ang binitawang pahayag ni Ronnie Liang tungkol sa pagkuha sa kanya para gumawa ng mga porn movies.

Matatandaang ibinahagi ng singer at licensed pilot ang kanyang opinyon hinggil sa paggawa ng mga porn movies. Ayon kasy Ronnie, ayaw niyang gumawa ng mga ganitong pelikula, out of self-respect.

Ngunit tila ang pahayag na ito ay nakakainsulto umano sa ibang mga aktor na gumagawa ng mga porn ayon kay Cristy Fermin.

“Mag-ingat ka sa pagsasalita mo. Hindi mo alam na sa pagtatanggol mo sa sarili mo, sa pag-akayat mo sa estado ng iyong pagkatao, sandamakmak itong mga nasagasaan mong ito.” tila isang babala ni Cristy Fermin.

Ibinahagi rin ni Manay Cristy Fermin ang komento ng direktor na si John Lapus sa post ni Ronnie Liang.

“Ang concern ni John Lapus dun ay para sa mga kasamahan din nating artista na minsan sa isang panahon po ay nagbida sa mga pelikula at seryeng may ipinakitang katawan. Pero ngayon po, ‘pag ating tiningnan, matagumpay.”

Ayon pa kay Cristy Fermin, sana ay maayos na lamang itong tumanggi sa offer at hindi na kumuda pa ng kung ano-ano sa kanyang social media. Ipinunto din ni Manay Cristy na ang pagdadahilan ni Ronnie na isa siyang Christian ay nagpapahiwatig na ang tingin niya sa mga aktor at aktres na nagpapakita ng kanilang mga katawan ay hindi anak ng Panginoon.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo