Cristy Fermin Napa-react Sa Komento Ng Aldub Fans Na Edited Ang Mga Photos Ni Maine With Arjo Atayde!

Biyernes, Nobyembre 11, 2022

/ by Lovely


Hindi napigilan ni Cristy Fermin na magbigay ng opinyon hinggil sa isang komento ng Aldub fan na umano'y edited lamang ang mga larawan nina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa kanilang bakasyon sa Paris.

Matatandaang nagbakasyon ang mag-fiance na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza sa Paris, France upang doon ipagdiwang ang birthday ni Arjo.

“Ewan ko naman kung saan na naman nanggagaling sa utak ng mga saradong miyembro ng AlDub na ito na 'yun daw pong mga larawan na lumalabas nina Cong. Arjo Atayde at Maine Mendoza sa Paris, France ay puro daw po photoshopped.” pahayag ni Manay Cristy.

Hindi malaman ni Manay Cristy, kung ano nga ba ang mga pinanghuhugutan ng mga Aldub fans na ito kung bakit pinipilit nila ang relasyon nina Maine at Alden. Gayung, maliwanag pa sa sikat ng araw na ikakasal na si Maine sa nobyong si Arjo Atayde.

Hiling naman ng ilan na sana ay malinawan na ang mga Aldub fans at pabayaan na si Maine Mendoza.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo