Cristy Fermin, Sinabing Sumadsad Ang Career Ni Liza Soberano Sa Hollywood!

Linggo, Nobyembre 20, 2022

/ by Lovely


Muling naging paksa sa programa nina Manay Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio ang career ni Liza Soberano sa Amerika.

Ayon kay Cristy Fermin, alam niyang labis na malulungkot si Ogie Diaz sa kanilang pag-uusapan dahil matapos nitong alagaan si Liza ay tila sumadsad lamang ito sa Amerika.

"Inalagaan ito ni Ogie e, pinalaki ito ni Ogie. Iningatan ng todo-todo para maabot 'yung pangarap niya. At nagtagumpay naman sila bilang talent at manager... Tapos biglang ganito? 'Yung pinaghirapan niya parang sumadsad e. Sadsad masyado," saad ni Manay Cristy Fermin.

Ayon pa kay Cristy Fermin, parang may nagsulsol umano kay Liza na kumawala kay Ogie Diaz gayung inalagaan naman ito ng maayos.

"Ito lang punto natin na inalagaan ni Ogie Diaz ang kanyang karera, pinagtagumpay naman siya ng kapalaran hindi ba? Hindi kaya may nagsulsol sa batang ito para kumawala sa pangangalaga ni Ogie at lumipat ng iba," dagdag pa ni Cristy.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo