Cristy Fermin Sinabing Umaasa Na Lamang Sa Awa Ng Publiko si Andrew Schimmer!

Martes, Nobyembre 1, 2022

/ by Lovely


 Nagbigay ng reaksyon sa sunod-sunod na vlog ni Andrew Schimmer tungkol sa asawang maysakit ang veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin.

Ayon kay Cristy Fermin, tila umaasa na lamang si Andrew sa awa ng mga netizens sa pagbabayad ng bills ng asawang maysakit na si Jorhomy 'Jho' Rovero. Napapadalas na umano ang pagpapaawa nito sa pamamagitan ng pagvo-vlog.

May mga kaibigan na umano si Andrew na kinukwestyon ang sunod-sunod na pagpopost ni Andrew sa kanyang social media accounts.

Chika ni Manay, "Andami-dami kong nakakausap, mga ka-chika, mga kaibigan, mga propesyunal, mga doktor pa nga ang iba at abogado. Ang tanong nila, 'yung isa, pangalawa na pagpapa-interview maiintindihan po 'yun. Pero 'yung i-vlog mo 'yung araw-araw na nagaganap sa inyong personal na buhay yun na po ang kuwestiyonable na talaga sa marami nating mga kababayan."

Dagdag pa ni Manay, tila inaasa na umano ni Andrew ang mga gastusin sa kanyang asawa sa pagpapaawa sa social media. Sa kabila umano ng panghihingi nito ng dasal, hindi umano nito natatakpan ang dahilan kung bakkit kailangan pa nitong ipakita ang nangyayari kay Jho na dapat sila lamang ang nakakaalam.

Samantala, umani naman ito ng samu't-saring komento mula sa mga netizens. May mga nagsasabing bakit kailangan pang paki alaman ni Cristy Fermin ang ginagawa ni Andrew. Hindi naman umano ito namimilit sa mga taong nagpapadala ng tulong.

Marami rin ang humahanga ngayon kay Andrew dahil hindi nito sinukuan ang kanyang asawang isang taon ng lubog dahil sa pagkakasakit.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo