Cristy Fermin Sinabing 'Wala Sa Hulog' Sina Alex Gonzaga At Vicky Belo!

Huwebes, Nobyembre 17, 2022

/ by Lovely


Nagbigay na rin ng opinyon ang sikat na showbiz columnist na si Cristy Fermin sa umano'y biruan nina Alex Gonzaga at Vicky Belo tungkol sa pang-iisnub sa kanila ni Heart Evangelista sa nakaraang Milan Fashion Week.

Matatandaang binanggit ni Dra. Vicky Belo sa kanilang nakaraang collab vlog ni Alex Gonzaga na inisnubbed sila ni Heart Evangelista sa Milang Fashion week. Subalit ng maibalita ito sa iba't-ibang mga news outlet ay bigla na lamang binawi ng dalawa ang kanilang pahayag.

Sinabi nilang biruan lang nila ang lahat at neever silang nagkita sa Milan. Samantala, hindi naman ito binili ni Cristy Fermin. Ayon kay Cristy Fermin, wala sa hulog ang kanilang 'joke' at kung nagreklamo si Heart tiyak may kalalagyan ang mga ito. Dahil sa kanilang pagkukwento ay tila totoong-totoo ang kanilang pinagsasabi.

"Wala sa hulog yun. Wala sa hulog yung bigla mong ilalabas tas bigla mong babawiin? Ano pang paniniwalaan sayo kapag ganyan diba? At tsaka, diba yung pagkakalatag nila ng kwento, parang talagang napaka maldita at isnabera ni Heart Evangelista bilang isang kababayang Pilipino pero di sila pinansin diba? Tapos ngayon, babawiin mo at sasabihin mong biruan lang yun?"

Dagdag pa ni Cristy Fermin, "Kapag nagsalita si Heart, pareho kayong mapapahiya. Wala sa hulog na pagbibiruan yan diba? Kukuha kayo ng isang personalidad na hindi naman katotohanan ang sinasabi niyo? Tapos pasasamain niyo sa mata ng publiko? Tapos babawiin niyo na joke lang?"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo